macymace: (Default)
[personal profile] macymace
Title: Gestures
Pairing: Own Characters
Genre: Romance, Fluff
Author: [livejournal.com profile] macymacymacy
Rating: G
Summary: About a secret admirer.
Warning: This story is in FILIPINO.
AN: change of font color meant another day.
Disclaimer: The song "Kailan" is composed by Ryan Cayabyab, performed by Smokey Mountain and revived MYMP.
GESTURES

Naniniwala ka ba sa love at first sight?

Kasi ako, oo. I may seem pathetic but whatever.

She goes to the same university as I do.

We’re also from the same town.

Lagi ko siyang kasabay pagpasok.

Minsan kasabay rin namin sa pagpasok yung bestfriend niya, si Francesca.

She’s very beautiful and very graceful.

Her name is Xaevey… and that’s about all I know of her. I’m not even sure if that’s the right way of writing her name.

I know… I’m really pathetic.


“Kian!”

“Geez, Rico. Aatakihin ako sa puso dahil sa’yo eh.”

“Mas mabuti na yun! Kesa masagasaan ka diyan!”

Oops. Naka-red light pala.

Nakahabol na sa’kin si Rico nun.

“Figures. Nandiyan nanaman pala si Ms. Secretly-Admired. Honestly, siya yata magiging katapusan mo.”

Nakatawid na pala siya.

Blah blah blah. Salita nanaman ng salita itong si Rico. Hindi ba ‘to nauubusan ng sasabihin?

“At hindi ka nanaman nakikinig sa’kin. Ewan ko ba ha. Hindi ko alam kung pano kita naging best friend.”

Yeah, it’s a mystery.

Yan ang daily routine ko. Sa umaga, tatambay sa bakery malapit sa sakayan ng FX hanggang sa dumating siya at pag nandiyan na siya, pasimpleng sasakay. Minsan siniswerte at nakakatabi ko siya.  But I don’t even think she realize that.

Pagdating sa school,papaunahin siyang bumaba tapos automatic nang susunod yung tingin ko sa kanya. Tulad ngayon, maraming beses na kong muntikang masagasaan dahil dun. I hate to admit it but si Rico ang either tatawag sa ‘kin or hihila sa’kin bago pa ko mabundol. Then yan na ang non-stop sermon niya.

During the day, swerte na lang na makita ko siya dahil sa sobrang laki ng university namin, layout and population-wise.

Adding to that, malayo ang building namin sa ibang colleges and faculties.

Maybe I’m really meant to live pitifully as I am living now.


“What?! You dumped Nathan????! Bakit?!”

“Ano ka ba Franz! Ang ingay mo, natutulog yung ibang tao.”

Kasabay uli namin ngayon si Francesca, I found out, (from eavesdropping) na sumasabay si Francesca kay Xaevey tuwing wala yung Dad niya at walang  maghahatid sa kanya.

“Bakit mo siya ni-reject?!”

“Tone down, geez! I do like Nathan but only as a friend.” I couldn’t help but smile then. I know that even if she rejects that Nathan guy, it doesn’t put me in a better position, but it’s always good to hear that I can still hope.

“Why?! Ang gwapo ni Nathan, mabait, mayaman, DL, ano pang hihingin mo?!”

“Because. Besides, I like somebody else.” Okay, medyo masakit yun.

Biglang tumili si Franz nun at napabreak yung driver.

“Oh my, sorry!” sabi naman ni Francesca dun sa driver.

Tumawa si Xaevey nun, then nagmeet yung eyes namin. She smiled apologetically at me. Hindi ko alam kung anong gagawin ko so I just turn away from her.

Grabe anong oras na? Wala pa rin si Xaevey.

“Boy, last na FX na babyahe na ‘to. Sumakay ka na, baka hindi papasok yung girlfriend mo.”

“Hindi ko po siya girlfriend.” Yun na lang yung nasabi ko dun sa driver.

Mukang nagkasakit siya, baka naulanan siya kahapon. May bagyo kasi.

 Kinabukasan, nakatabi ko uli siya sa FX. Nakatulog agad siya nung umandaar yung FX na parang pagod na pagod siya. Muntikan ding hindi siya magising pagdating namin sa school. Parang nagsusway din siya paglakad.

Bakit pa siya pumasok? Mukhang hindi pa siya magaling.

“Miss!” Muntikan na siyang masagasaan!

Grabe nanginginig ako sa kaba. Kala ko hindi ko na siya mahihila.

“Uhmm… Thank you.”


After nun, let me just say na she knows I exist now. Hindi naman sa natutuwa ako at muntikan na siyang masagasaan pero ngayon, kahit papano we greet each other. They’re just simple gestures but it’s a start.

I don’t know if I’m deluding myself pero one time pinili niyang makatabi ako sa FX. Sa araw-araw na nakasabay ko siya sa FX, I know she prefers to sit in the middle. If she has to choose between the front and back seat, she would choose the front. Pero one time, nung nauna akong sumakay at sa likod ako umupo, so she could sit in the middle (one seat left), she instead chose to sit in the back seat beside me.

Like other times, she smiled at me as a greeting.

Unlike other times, nagpara siya sa first gate imbes na sa second gate kung san kami parehas bumababa. Siguro may dadaanan siya.

“Kuya, wait lang po!” sinabi ko dun sa driver.

Hindi yata napansin ni Xaevey, pero nahulog yung book niya.

Binuksan ko uli yung pinto nung FX.

“Uhmm, Miss, yung libro mo naiwan mo.”

“Oh. Sorry. Thank you.”

She’s really beautiful when she smiles.


Woah, ang lakas ng ulan. Naiwan ko pa naman yung payong ko. Buti na lang nakasakay na ko sa FX.

Maya-maya dumating na rin si Xaevey. Buti naman may dala siyang payong. Mukhang madali pa naman siyang magkasakit, mahirap na. Pero siguro naman pagdating sa school wala nang ulan. Malayo kasi yung town namin sa school namin. About one-hour ang ride namin papunta, sa hapon, mas traffic kaya mas matagal.

Geez, mas malakas pa yung ulan pagdating namin sa school kaysa nung paalis pa lang ako sa bahay. Napakaganda talaga ng timing ko sa pag-iwan ng payong.

Pinabayaan ko na lang at naglakad na lang rin ako. Wala na rin naman akong magagawa.

But I was surprise nung biglang hindi na ako nauulanan.

Pinapayungan ako ni Xaevey?!

Kala ko wala na akong FX na maaabutan! Nalate ako ng paggising! Buti na lang talaga.

Nagulat lang ako na nandun din sa FX si Xaevey. Normally kasi, yung pangalawang FX na babyahe ang nasasakyan namin. Siguro nalate din siya ng gising.

Nakatulog ako at pagkagising ko malapit na kami sa school. Nagpara ako sa second gate.

Hinihintay kong maunang bumaba si Xaevey pero ang tagal niya. Nung tinignan ko siya, marami pala siyang dala-dala.

Tinulungan ko na lang siya. Malayo din ang lalakarin from second gate papunta sa kahit anong college building.

“Uhmm, thank you.” Sinabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya.

Pagtawid namin, kinukuha na niya yung gamit niya.

“Ihahatid na kita, ang dami mong dala eh. Sang building ka ba?”

“Sa Conservatory…” Music student pala siya.

Tahimilk lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng building nila.

“Sang floor ka ba?”

“’Wag na, kaya ko na.”

“Sure?”

“I’m sure.” Ngumiti siya sa ‘kin nun.

“Salamat ah, lagi mo na lang akong tinutulungan.”

“Wala yun. Ikaw rin naman.” Napakamot na lang ako sa ulo nun.

“But what’s funny is, we haven’t introduced ourselves to each other yet. I’m Xaevey Autea, freshmen music student.” She said holding her hand to me.

“Uhmm, Kian Porcalla, freshmen art student.” I told her, taking her hand.

“Art student ka pala, kaya pala marami ka laging dala.”

“Yeah… Uhmm, pwede bang magtanong?”

“Sure.”

“Anong spelling ng name mo?”

“X-Y-V-E-E” I said out loud as I write her name.

“Goodness, Kian. You’re obsessed! Ilang portrait na niya ang nandito sa kwarto mo!”

“Ate Joy! Sabing ‘wag mong papasukin si Rico dito eh!” Ewan ko ba sa mga maid dito, mas sinusunod pa si Rico kaysa sa’kin.

“It’s futile. Mas mahal ako ni Ate Joy kaysa sa’yo. Hahaha!” And I care because?

“Anyway, hindi na healthy yang ginagawa mo. Alam kong acquaintances na kayo pero, God, you’re obsessed. Daig mo pa yung adik-adik. Kumakain ka pa naman ba?”

Blah blah blah, sige magsalita ka lang diyan at magpipinta lang ako dito.


Napadaan kami sa building nila Xy (she said to call her that) during break at swerte nga naman, naabutan ko siyang nagba-violin.

Iba yung ere niya pag may hawak siyang violin. She’s very elegant. Hindi rin biro yung skill niya as she played Claudine on the violin.

Actually, after kong malaman na music student siya, naging interested na rin ako sa music kaya kahit papano may alam na ko sa classics. Mukhang tama nga si Rico, nao-obsess na ‘ko.

After niya magplay napansin niyang nanonood ako at kumaway siya sa’kin. As an answer I clap my hands for her.

She seems embarrassed because she shook her head as if saying that it wasn’t really that good. I chuckled at her and she made a pouting face.

Ang cute niya talaga. Mas lalo yata akong nahuhulog sa kanya.

“Hoy Kian! Kilala mo yun! Ang daya mo!”

“Lakas mo ah!”

“Pakilala mo naman kami!”

I almost forgot na kasama ko pala ang barkada ko.


Geez, 6PM na. Masyado akong natagalan dun sa practical namin.

Bumaba na ako sa overpass hoping na meron pang dumaan na bus papunta sa’min. Rush hour na rin kasi.

May bus ngang parating but I changed my mind the last second cause I saw Xyvee mount on a jeepney.

Sumakay din ako dun sa sinakyan niyang jeep. Unfortunately, masyadong masikip kaya magkalayo kami. Hindi niya rin yata ako napansin.r

When we were half-way to our town, saka lang niya napansin na nandun ako. Kaunti na lang kasi yun tao. She smiled at me and I smiled back.

Biglang may sumakay na lalake; tumabi siya kay Xy. I knew he was bad news. Amoy alak siya. On an urge, lumipat ako sa gitna nilang dalawa.

I heard Xyvee sigh a relief and whispered, “Thanks, Kian.”


“Kaylangan ba talaga? Wala bang iba diyan na pwedeng sub?”

“Tatanungin ka ba namin kung meron pang iba.” I just glared at him. Pinipilit nila akong magsub dahil nainjure yung isang player ng college namin. Basketball Interschool Competition nanaman kasi.

“Fine.” Sinabi ko na lang. Tutal sub lang naman ako.

 

“Porcalla, papasok ka.” Great, kala ko pa naman bench lang ako.

Yeah, marunong akong magbasketball but I’m not what you would call ‘social’ and I’m not good with teamwork.

Pero ano nga bang magagawa ko?

Nagulat na lang ako nung may sumigaw ng pangalan ko.

“GO KIAN!!!”

That made me smile… because Xyvee is cheering for me and our opponent is their college.

Maybe I should join the varsity?


 “Kian!”

“Xy!”

“You’re drawing…”

“Yeah.”

Last exam ko na for this sem. Ang maganda sa pagiging art student, exam comprise of making art and passing it to your prof. Mas gusto ko kasi na practical kaysa yung kaylangan pang mag-review. So now, I’m here in front of our founder’s statue, trying to draw and miserably failing. Una, nandiyan si Xy, at pangalawa, ang sketch pad ko, puno ng portrait niya.

“Tapos na exam niyo?”

“Yeah, at umuwi na rin yung ibang classmate ko. I’m just waiting for Franz.”

“Ahh…”

“You’re really good at drawing.”

“You’re good at playing the violin too.”

“And you’re good at playing basketball.”

Nagkamot na lang ako ng ulo nun.

“You’re really nice.” Sinabi ko naman sa kanya.

“You too.” Ngumiti siya sa ‘kin nun.

Umupo siya sa tabi ko. Lalo tuloy akong ninenerbyos.

 

Pero pinanood lang niya talaga ako habang nagdodrawing ako. Tahimik lang kami dun but surprisingly, it’s a comfortable silence.

After a while, nagsalita uli siya.

“Can I ask you a question?”

Tinigil ko muna yung pagdrawing ko at humarap ako sa kanya.

“Sure.”

“This would really be weird though.”

“It’s okay, go ahead.”

“Okay… well, do you… I mean do you believe in love at first sight?” Nagulat ako sa tanong niya kaya natahimik ako.

“Okay, you think I’m really weird now.”

“I do.”

“I’m sorry I just—“

“No I mean, I do believe in love at first sight.”

“Oh.” Ngumiti uli siya sa ‘kin nun.

“Do you really?”

“Yes.”

“Then, have you fallen in love?”

“Have you?”

“I think so.”

“Oh.”

“How ‘bout you?”

“I’m just curious but why are you asking me all this questions?”

“Oh, sorry, you don’t have to answer if you don’t want to.”

“It’s not that, I just want to know if there’s a reason behind it.”

“Well, actually… I’m planning on confessing to this guy…”

Hindi ako sumagot nun. Diretso pa rin siya sa pagsasalita.

“We’re not really close but my feelings for him are strong. But I’m not sure if he feels the same way. I mean, we just met and we don’t really know much of each other and—“

“You shouldn’t confess to him then.”

“Wha.. What do you mean?”

“Well, what if you’re rejected? He’ll only hurt you and since you’ve just met it can ruin your newly formed friendship or whatever.”

“I know that but—“

“Does he even know you exist?!” Okay, I know I went too far then.

“Sorry I didn’t mean…”

Hindi siya sumagot nun. Nagulat na lang ako…

“Are you crying? Shoot. I’m sorry, I really didn’t mean it. I was thinking of something else, I— Xy, please don’t cry.”

“Okay fine, you wanna know the truth?” Inabot ko sa kanya yung sketch pad.

“I wasn’t referring to you when I said that. I was just…” I just left that hanging. She should understand now she saw her portraits.

“Sorry, I’ll go now.” Sinabi ko sa kanya. Kinuha ko na yung sketchpad ko at aalis na sana ako

“Wait.” Hindi ko alam kung bakit pero umiiyak pa rin siya.

“Since you told me why you said that, I’ll tell you why I cried.” I didn’t really get what she said.

She handed me a piece of paper.

It was a song, her composition I think. I read it and I was dazed.

Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala


I didn’t finish reading. On impulse, I kissed her.

FIN

This account has disabled anonymous posting.
If you don't have an account you can create one now.
HTML doesn't work in the subject.
More info about formatting

Profile

macymace: (Default)
macymace

September 2015

S M T W T F S
  12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930   

Most Popular Tags

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Jul. 10th, 2025 02:01 am
Powered by Dreamwidth Studios