macymace: (Default)
[personal profile] macymace
Title: Love Bus
Pairing: Own Characters
Genre: Romance, Fluff, Friendship
Author: [livejournal.com profile] macymacymacy
Rating: G
Summary: Tungkol sa tatlong tao na nagkakilala sa bus at naging magkakaibigan. Pero pano pag nagdecide si cupid na turuan sila about love? (summary sucks. i know.)
Warning: This story is in FILIPINO.
AN: change of font color meant another day.
        "Yanna talking", "Lex talking", "Ly talking", "Janelle talking", "Sabay si Lex at Ly"
Disclaimer: Tourniquet is by Evanescence, Here I Stand is by Madina Lake,






LOVE BUS

Grabe, inabutan na naman ako ng dilim. Bakit kasi ganito ang schedule ko this semester? Last sem 3pm nasa bahay na ‘ko, ngayon papasok pa lang ako nun.

Jeez, bus na naman ang sasakyan ko and malamang nakatayo na naman ako.

Puno nga talaga itong bus na nasakyan ko. Siguro dapat masanay na ‘ko na tuwing Monday talagang nakatayo akong hanggang sa makarating ako sa bahay. Lucky me, almost two hours akong nakatayo nun.

“Miss, dito ka na lang oh…”

I love him! Napakagentleman! Dapat ganyan lahat ng lalake. 
  
“Thank You.” Ngumiti naman siya sa’kin.

Naupo na nga ako dun sa three-seater na vinacant niya. Pero swerte rin yung guy nay un dahil after about a km bumaba na yung katabi ko kaya nakaupo na rin siya.

Oh my! Tourniquet yung tugtog sa radio! Favorite song ko yun!   

“Oh…” Napatigil ako sa pagkanta ko dahil dahil si nice-guy-who-vacated-his-seat-for-me biglang naggitara at si other-guy-next-to-me biglang nagdrums sa kani-kanilang imaginary instruments,  kasabay nung Tourniquet.

Napatigil kaming tatlo at nagtawanan. Well, tumawa kami ni nice-guy, si other-guy ngumiti.

“Gusto niyo rin ang Evan?? Then, sigurado gusto niyo rin MCR!”


“Hey!” Nakita ko na naman silang dalawa!

“Oi!”

“Mukhang parehas tayo ng sched tuwing Monday.”

“Mukha nga. Ano nga pa lang course niyo? UST rin kayo di ba?”

“Yeah,  BS Bio ako, kayo?”

“Chem Eng.” Tumingin kami ni nice-guy kay other-guy.

“BS Bio din ako.”

“Talaga? Anong year mo?  Section?”

“1st year pa lang. B7.”

“Ah, 1B2 ako. Ikaw, anong year mo?” Tinignan ko naman si nice-guy.

“1st year din.” Sabi naman ni nice-guy. Bigla akong natawa nun. Tinignan naman nila ako.

“Natawa lang ako kasi alam na natin course and section ng isa’t-isa pero hindi pa natin sinasabi name natin. Ako nga pala si Alyanna, you can call me Yanna.”

Ngumiti si other-guy at tumawa si nice-guy.

“I’m Xander.” Nagtinginan sila nun.

“Parehas ang name niyo?” I giggled. Nakakatuwa kasi. Natawa rin si nice-guy.

“My full names Alexander, nickname ko yung Xander.”

“Mine’s Lysander. Nickname ko rin yung Xander.”

“Ok, Ly and Lex na lang ang itatawag ko sa inyo ah.”


Wow, ngayon  ko lang nakitang tumawa ng ganyan si Ly. Napakatahimik kasi niyang tao. May pagka-mysterious tuloy siya. Pero ngayon parang ibang tao siya.

Pero sabagay kung magjoke naman talaga si Lex eh nakakatawa talaga. Nako, naoop ako ah, makaepal na nga.

“Hey!”

“Yanna.”

Si Ly ngumiti naman sa’kin.

“Saglit lang naman siguro kayong naghintay sa’kin pero parang ang magbestfriend na kayo ah.” Ganito na kasi kami tuwing Monday, naghihintayan tutal parehas naman ang sasakyan namin. Parehas pa kami ng town ni Lex.

“Hindi mo ba alam? Matagal-tagal na rin tayong magkakilala, hindi mo napansin? Kami na!”

Sabay naman kaming tumawa ni Ly nun.

“Ly! Bakit ka tumatawa! Nakakasakit ka naman ng damdamin eh!”

“Lex, tigilan mo na kinikilabutan na ko.”

“Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin kay Yanna?? Hindi mo na ba ‘ko mahal?!” Tumawa ako lalo nun.

“Yeesh. Tama na nga, pati ako kinikilabutan na. Nga pala Yanna, kanina napag-usapan namin ni Ly—“

“Na sasabihin niyo na sa’kin yung secret affair niyo?”

“Hindi yun! Naisip naming gumawa ng band! Tayong tatlo!”

“Band? Band na may lead guitar, drums at vocal lang? Pano yun?”

“Tuturuan nalang kita mag-rhythm. Madali lang naman yun. And medyo marunong ka naman sa piano di ba? Madali na lang yun.”

“Kaya ba natin yun? And what do you mean by ‘band’? Sasali tayo sa mga battle?”

“Yeah. Sige na! Ang ganda-ganda ng boses mo, si Ly halimaw sa drums, ako ang gwapo.” Okay anong konek nun?

“Bilis na! May naisip na ring name si Ly.”

Tinignan ko naman si Ly.


“x2 + y and yes Lex, I know you think it’s a cool name but I’m still a nerd.” Tumawa si Lex nun.

“Bakit ‘x2 + y’?”

“Kasi nga parehas na Xander yung nickname nila tapos nickname ko Yanna.”

“Ang cute naman ng name na yun. Anyway, matagal mo nang kinikwento yang mga Xander na yan pero hindi mo pa rin sila pinapakilala sa’kin. Magtatampo na ko sa’yo bessy.. Ni hindi ko alam kung anong itsura ng mga magiging kumpare ko.”

“Biglang ganun? Sabi ko nga, Monday ng hapon lang naman kami nagkikita tapos ang sched mo hanggang 1pm lang. Talagang hindi ko sila mapapakilala sa’yo. Kung gusto mo silang makita, may pic kami dito.”

Nilabas ko naman yung wallet ko. Nung nakaraan kasi na may kaylangan akong bilhin sa National, sinamahan nila ako  at pinilit ni Lex na magpapicture kami sa Picture Click.  Nakakatawa nga dahil ‘haunted’ yung theme na pinili niya. Kaya ayun, sa pic namin, kunyari takot ako at minumulto nila ako.

“Grabe Yanna! Ba’t ang dami mong kakilalang gwapo?!?”

“Dami? Dalawang gwapong multo lang naman yan ah.”

“Dalawa ka diyan! Pano si Kuya Eric? Si Tom? Si Dan?”

“Talagang gwapo yun lahi ko e—“

“Si Ryan, si Kevin, si Jay, si Ivan tapos yung kaibigan nun na gwapo rin. Ano nga bang name nun? Radiel?? Napapaligiran ka kaya ng gwapo!”

“Promise, hindi ko talaga ma-classify sila Ry bilang ‘gwapo.’ Kaklase mo ba naman simula kinder. Tapos yung Radiel na yun, hindi ko naman talaga kakilala, si Tina ang may kakilala sa kanya.”

“Ikaw talaga hindi makaappreciate ng bigay ng May Kapal— wait, oo nga no. First time na may iclassify ka na gwapo! Oi! Crush mo no?? Sino sa kanila? Yiiii! Magpapanovena ako! First time ito! Sa wakas gumana rin ang hormones mo!”

“Grabe ka Janelle. Para yun lang.”

“Kaylan nga pala guitar lessons mo? Hihiramin mo gitara ni Kuya di ba?”


“Tutal walang pasok sa Friday, dun na lang kita tuturuan. May gitara ka na?”


“Yeah, oi sige na Lex, tinatawag na kami ni Ma’am.”

 “Ano nga pala dapat ginagawa niyo?”

“Nagbibilang ng halaman.”

Tumawa siya nun.

 “Si Ly nakita ko naman dati na kinakausap yung halaman.”


“Ngayon libro naman ang kinukausap mo.”

“Yanna.” Ngumiti siya sa’kin. “What do you mean libro naman ang kinakausap ko?”

“Sabi kasi ni Lex nakita ka raw niya kumakausap ng halaman.”

“Ah. And nahuli ko siyang inaaway yung test paper.” Tumawa naman ako nun.

“Break mo rin?”

“Yeah.”

“Bakit dito ka naman tumambay. Pag nakita ka ni Lex sasabihan ka nanaman nun na nerd ka.”

“Tahimik kasi dito eh.”

I can’t help it. Tumawa ako.

He looked at me confused.

“Kasi naman ikaw na ikaw yung” nagquotation mark ako sa hands ko “’tahimik kasi dito.’-type-of-guy. Nakakatawa lang na marinig yun sa’yo. I mean hindi ko maimagine na sabihin yun ni Lex.”

Tumawa naman siya and it’s my turn to look at him.

“Well, TRY to imagine him saying that.”

Nagtawanan kami nun. At napagalitan kami.

“Ikaw, you doing your homework?”

“Yeah… after break na ‘to, hindi ko pa rin natatapos.”

“Trigo?”

“Yeah.”

“Si DR prof mo?”

“Yeah.”

“Tapos na ko diyan. Want some help?”


“Hulog ka nang langit!”


“Sigurado ka bang first time mo lang maggitara? Kasi mas magaling ka pa dun sa kapatid ko at nasa dugo na namin ang paggitara.”

“Oo nga. Nagkakakalyo na nga ako oh.” Pinakita ko naman yung daliri ko.  Eh ang hirap naman pala kasi maggitara.

“Magmala-Evan na lang kaya tayo? Keyboard na lang ako. Magpapaturo na lang uli ako sa mama ko.”

“Okay lang. Pero maganda pa rin na marunong ka ng rhythm. Kaunting rock songs lang ang may keyboards.”

“So wala akong kawala?”

“Yeah.  Hayaan mo na, para may dahilan naman tayo maghang-out.”

“Sure… pero magdidilim na.”

“Ay, 5pm na pala. Sige pwede na muna ‘to. Pero di ko pa alam kung kelan uli tayo makakapraktis.”

“Text-text na lang. Malapit lang naman bahay natin. Kaylan nga pala tayo magpapraktis na kasama na si Ly? Grabe yun si Ly halimaw talaga sa drums…”

“Oo nga eh, buong drum set gumagalaw. Siguro kapag may alam ka nang song sa rhythm makakapraktis na tayo.”


“Okay.” Tumayo na kami parehas nun.

“Yung mama mo?”

“Nasa taas, bakit?”

“Pasabi na lang sa Mama mo salamat ah.”

“Ah, sure. Halika na.”

Kala ko ihahatid lang niya ko hanggang sa gate nila, pero hanggang gate namin kasama ko siya.


“Nagtext si Lex.”

“Ano daw?”

“Ang daya daw natin.”

One week din kasi kaming sabay umuwi ngayon ni Ly. Science week kasi kaya pang-umaga kami ni Ly, si Lex, dating oras pa rin.

“Sabi ko na eh.” Tumawa naman si Ly.

Madali na siyang tumawa ngayon. Siguro dahil close na  talaga kaming tatlo.

“Nung first time tayong nagkita, napakatahimik mo. Minsan mali talaga ang first impression.”

“Hindi naman, masaya lang talaga ako kapag kasama kita.” Okay… is it just me or parang may iniimply yung statement na yun?

“At kapag dumagdag pa si Lex… Well, I’m trying not to go crazy. Seriously,  dapat tigilan na niya yang pagsabi na may secret relationship kami.”


“Grabe ah, san ba kayo nanggaling? Isang oras na yata akong naghihintay dito.”

“Sorry Lex, ang haba kasi ng pila.”

“Pila?”

Nilabas ni Ly yung binili namin sa Goldilocks.

“Happy Birthday Lex!” Sabay naming sinabi ni Ly.





“Hey, umiiyak ka Lex????”


“Hindi nga. Okay lang talaga. Bumalik ka na kaya dun, mapagalitan ka pa ng prof mo.”

“Sigurado ka talaga? Dalawang oras kang maghihintay sa’kin?”

“Okay nga lang. After one hour darating na rin naman si Ly and dala ko naman PSP ko. Ang lungkot kaya umuwi mag-isa. Ang daya niyo ni Ly lagi kayo nagkakasabay.”

“Okay, bahala ka.”


“Bilis Lex! Si Ly na magsasalita!!”

Tumatakbo na siya. Galing pa kasi siyang Eng Bldg. Talagang bumisita lang dito sa Main Bldg. para kay Ly.

“Siya na?”

“Siya na yung next.”

“Buti naman naabutan ko. Whew.”

Tumayo na si Ly nun. Sigawan naman kami ni Lex.

Tumingin sa’min si Ly tapos ngumiti. Then kinuha na niya yung mic.

“Good Afternoon. I’m Lysander Ramirez and I’m running for the position of P.R.O.”


“Bilis na nood tayo! MCR yun! Minsan lang sila pumunta dito sa Pilipinas! Sige na! Isama mo na rin si Janelle.”

“Ang problema nga, Prelim week na after nun.”

“Ano ngayon?! MCR yun!”

“Buti kung Evan yan kahit mismong araw ng prelim yun manonood talaga ako.”

“Yun naman pala eh, mas magaling naman MCR sa Evan. Bilis na! Kahit hati na kami ni Ly sa ticket niyo!”

“Mas magaling Evan ‘no! Porket babae vocalist nila sasabihin mo nang superior ang MCR!”

“Nawawala na tayo sa usapan eh! At hindi ko naman sinasabing mas magaling si Gerard kay Amy, ikaw lang nag-aassume nun. Nood na tayo please????”

“Ininsulto mo Evan.”

“Wala akong sinasabi ah! Come on, magaling sila parehas pero mas gusto ko talaga MCR!”

“Magaling talaga ang MCR pero magaling din ang Evan. Kahit hindi sila exactly parehas ng genre napagko compare sila dahil parehas silang magaling. Kakaiba pa ang Evan dahil naapply nila ang grand piano sa rock songs. Ang MCR typical na yung gamit na instruments.”

Tumingin si Lex kay Ly nun. Ako naman ngumiti sa kanya.

Natuwa ako sa kanya nun. Kaya lang nawala rin agad nung narinig kong bumulong siya kay Lex.

“Mas gusto ko rin ang MCR pero hayaan mo na si Yanna.”


 “Alam niyo, maliban sa ‘x^2+y,’ pwede ring ‘team 7’ ang pangalan ng band natin.”

“Team 7? Naruto?”

“Oo, di ba parang ganun tayo? Si Yanna si Sakura, si Ly si Naruto tapos siyempre ako si Sasuke.”


“Ikaw si Sasuke?”

“Oo, bakit?”

“Parang mas bagay sa’yo si Naruto eh.”

“Eh, mas cool si Sasuke!”

“Mas bagay si Sasuke kay Ly.”

“Pano ba yan Lex, mas cool daw ako kaysa sa’yo.”

Parang si Sasuke at Naruto nga ‘tong dalawang ‘to. Dinilaan ba naman ni Lex si Ly.

“Ikaw na lang si Naruto. Cute naman siya eh.”

“Pano ba yan Ly, cute daw ako sabi ni Yanna.”


“Yanna, okay ka lang? Namumula ka!”

“Hindi, ganito talaga ako pag naiinitan. Nakakairita nga eh.”

“Sure ka ah, baka mamaya mahimatay ka na lang sa’kin.”

Nagulat ako nung biglang may malamig na dumikit sa mukha ko.

“Ly! Nakakagulat ka naman!” Mineral water lang pala ni Ly.

“Okay ka lang?”

“Yeah, mainit lang.”

“Wala ka bang payong?”

“Wala eh. Okay lang yan malapit na rin naman tayo.”

Bigla niyang inalis yung cup niya at sinuot niya sa’kin.

“At least wear that, malayo-layo pa lalakarin natin.”

“Pano ka?”

“I’m not the one with sensitive skin.”

“Xander!”

“Sige na Yanna, tinatawag na ko.”

“Sige.” Nauna na siya nun.

“Buti na lang nandiyan ang magiting na P.R.O. Pano ka na kaya kung wala siya?”

“Nako Janelle, yan ka na naman.”

“Aba’y totoo naman. Bwisit na field trip kasi ‘to, paglalakarin lang pala tayo, bakit ang mahal ng binayad
natin?!”


“Mahal talaga kita!”

Oh Jeez,  bigla tuloy naging awkward. Me and my big mouth.Bigla lang naman lumabas dahil nasolve ni Ly
yan x^2-blah-blah na yan na hindi ko—or ng mga classmate ko—masolve. Ang problem, mukhang hindi lang yun ang dahilan kaya nasabi ko yun.

Hindi ko alam kung sineryoso nila dahil parehas silang napatigil. Gosh!

 “Oh Yanna, eto na yung pinapabili mong ice coffee.” Janelle! Ang ganda ng timing mo!

“Mahal din talaga kita! Thank you!”

“Ako Yanna, hindi mo mahal?”


“Okay… alam kong magaling kang kumanta pero grabe Yanna, matatalo mo na yata si Amy Lee.”

“Hindi ah, diyosa yun. Wala akong panama dun.”

“Nu-uh, nakaya mo yung Sweet Sacrifice niya?! Grabe!”

Grabe naman sila, nakakaunsettle; sobra mag-praise.

“Idol talaga kita! Sigurado mananalo tayo sa darating na battle.”

“Or at least alam na natin na sa’tin na ang trophy ng ‘best vocal.’”

“Okay, tama na. Masyado na kong napaflatter, baka akalain ko pang in love kayo sa’kin.”

“Ang manhid mo naman, hindi mo alam?”

“Nako Lex, tama na at baka maniwala ako.”

“Hindi nga! Kaya nga naiingit ako na lagi kayong nagkakasama ni Ly.”

“’Wag kang magselos, di ko naman aagawin sa’yo si Ly. Alam ko naman yung tungkol sa secret relationship niyo.”

“Yun nga yung secret relationship namin ni Ly eh, secret rivals kami. Sasuke at Naruto nga di ba?”

“Nako Lex, pinapalaki mo ulo ko.”


“Grabe ang lakas naman ng ulan ngayon. Parang water falls na ‘tong tubig sa bintana ng bus.”

“Oo nga eh. Wala pa naman akong payong.”

“Sabi ko naman sa’yo lagi kang magdala ng payong, malayo pa man din tayo. May payong ako, ihahatid na lang kita.”

Binuksan naman ni Lex yung bag niya para kunin yung payong.

“Ay, naiwan ko sa room yung payong ko!”

Biglang pinasa ni Ly yung payong niya.

“Eto oh, Lex, hatid mo na lang si Yanna.”


“Pano ka?”

“May jacket naman ako at malapit lang naman yung lalakarin ko. Sa tabi lang po!” Sinabi naman niya sa driver.

“Sige, next time uli. Ingat kayo ha. Lex, hatid mo si Yanna.”

“Okay.”

“Ingat ka rin. Magbanlaw ka pagdating mo sa bahay baka magkasakit ka.”

“Okay!” Pababa na siya ng bus nun.


“Jeez, sabi ko kasi magbanlaw, eh pasaway,  nagkasakit tuloy siya! Ang kulit! May quiz pa naman sa bio. Lex, pwede ba nating daanan si Ly mamaya? Bisitahin lang natin.”

“Grabe ka naman mag-alala, parang may A (H1N1) naman si Ly.” Medyo nawala yung panic ko nun at natawa ako.

“Para bang nanay?”

“Parang girlfriend.” Napatigil ako nun. Nakangiti si Lex pero hindi abot hanggang mata.


Oh my God!!

“Ly, Lex! Anong nangyari?! Bakit kayo nagsusuntukan?!”

Hindi yata nila naririnig!!!!!

“GUYS!!! STOP!!!!”

Tumigil naman sila nun. Tumingin si Lex kay Ly tapos nag-sigh siya.

I was surprised when he grinned at Ly.

“I needed that.”


And then, umalis na siya.

“WHAT THE HELL WAS THAT ALL ABOUT?!”


Ok… parang walang nangyari. Bati uli sila???

Ano ba kasi yung suntukan na yun?

“Okay lang ba na yan yung songs natin sa battle?”

“Okay lang yan, maganda nga yung mga songs eh. Yanna, ako kakanta nung last song ah, second voice ka.”

Grabe! Battle na!

“My God, my Tourniquet, return to me salvation…”

Whew, isang song na lang.

Kinuha na ni Lex yung mic niya.

“I dedicate this last song to my special friend.” Nagsigawan yung crowd nun. Mukhang popular talaga si Ly at Lex.

Nagulat ako nung kinindatan niya ‘ko. Tapos lumingon siya kay Ly and mouth something.

Nakita niya ‘kong nakatingin sa kanya then he said, “Manhid mo talaga. Hindi joke yung sinabi ko noh…”

Hindi naintindihan yung sinabi niya hanggang sa kinanta niya na yung next song namin…
…which is Here I Stand by Madina Lake.

“My hands shake cause today,
I know you're gonna break my heart and,
my life without you in it
Is a life that’s not worth living
I'll be strong but I wish I was someone else,
Anyone but me tonight…”

Nagsigawan yung crowd nung tapos na yung last song. Pumunta na rin kami sa backstage.

Grabe hindi ko alam kung anong masasabi ko sa kanila.

So totoo pala yung sinabi niya nung practice namin. Grabe ang manhid ko talaga. Kaya rin sila nagsuntukan ni Ly.

Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko!

Inunahan naman ako ni Lex.

“Nako kayong dalawa, mag-usap na kayo at baka magbago pa isip ko.”

Pabiro niyang sinuntok si Ly. “Ayus-ayusin mo ha.” Tapos umalis na siya.

Grabe awkward. Kaming dalawa lang yung nasa backstage at nagpeperform na yung next band.

“So what now?”

Natawa naman ako sa naisip kong isagot. Lengwahe kasi niya ‘to.

“x+y?”

Ngumiti siya sa’kin. Hindi na yun nakakagulat. Ang nakakagulat…

He kissed me.

Profile

macymace: (Default)
macymace

September 2015

S M T W T F S
  12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930   

Most Popular Tags

Style Credit

Expand Cut Tags

No cut tags
Page generated Jul. 18th, 2025 12:35 pm
Powered by Dreamwidth Studios